Red
October 14, 2009This is an excerpt from an unfinished creation started right before February 14, 2009.
Ayaw kong magbigay ng red roses. Naisip ko hindi naman iyon kailangang-kailangan lalo na’t wala pang “tayo” at wala pang gumagawa ng paraan upang maging “tayo.” Naisip ko baka kasi ‘di mo ‘yon magustuhan at lalo ka lamang matauhan na hindi ako bagay sa ‘yo. Pero gusto kita at ‘di ko lubos maisip kung bakit patuloy ako sa pagkakagago sa paghihintay sa takdang panahon na maibahagi ko sa ‘yo kung gaano na kalaki ang sukat na kinuha mo sa puso ko.
Ayoko’ng magbigay ng red roses. Ang alam ko ‘pag nagbigay ako non, pinipilit ko lamang ang sarili ko na makihalubilo sa overcrowded na daigdig ng mga may kairog sa araw na iyon. Kung hindi pa ngayon ang panahon para bigyan kita ng panahon para bigyan ng red roses wala na akong magagawa doon. May iba pa namang paraan para maipakita ko sa iyo ang kung ano man ang dapat mong makita mula sa akin. Kaya nga ako nagsusulat dito para isipin mo na kahit wala kang red na matanggap sa araw na iyon, maiisip mo na pinagpuyatan ko ‘to at ito ang naging dahilan para mamula naman ang puti ng mga mata ko ng matapos ko ang entry na ‘to (which hindi nga), despite sa tambak na deadline natin sa SGV.
Previous Comments
oi, clark! hell, yeah! haha!
Posted by thesecretglenhol at August 17, 2010, 2:36 pmfuck man! this is me right now.
tho without the red roses.
parang tayo na hindi..
pero me I want to walk away, im jus fickle minded. thats why im kinda crazy
i find it now na ang pagpapaasa ay stupidity.
if the person doesnt want a relationship or commitment. somethings wrong. excess ng 7 kilos bagahe nyan or jus wanna play.
anyway.
Posted by nienna at September 2, 2010, 10:46 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



this is pakness
Posted by thesecretgarden at October 16, 2009, 5:41 pm