Home » Tags
This is a continuation of the "Chronicles of a Mumbo-jumbo Honcho" and solely devoted to the period of my withdrawal from my addiction to a red hair dye and all the things that came and went with it. The rest is myth.

Red

October 14, 2009

This is an excerpt from an unfinished creation started right before February 14, 2009. 

Ayaw kong magbigay ng red roses.  Naisip ko hindi naman iyon kailangang-kailangan lalo na’t wala pang “tayo” at wala pang gumagawa ng paraan upang maging “tayo.”  Naisip ko baka kasi ‘di mo ‘yon magustuhan at lalo ka lamang matauhan na hindi ako bagay sa ‘yo.  Pero gusto kita at ‘di ko lubos maisip kung bakit patuloy ako sa pagkakagago sa paghihintay sa takdang panahon na maibahagi ko sa ‘yo kung gaano na kalaki ang sukat na kinuha mo sa puso ko. 

 

Ayoko’ng magbigay ng red roses.  Ang alam ko ‘pag nagbigay ako non, pinipilit ko lamang ang sarili ko na makihalubilo sa overcrowded na daigdig ng mga may kairog sa araw na iyon.  Kung hindi pa ngayon ang panahon para bigyan kita ng panahon para bigyan ng red roses wala na akong magagawa doon.  May iba pa namang paraan para maipakita ko sa iyo ang kung ano man ang dapat mong makita mula sa akin.  Kaya nga ako nagsusulat dito para isipin mo na kahit wala kang red na matanggap sa araw na iyon, maiisip mo na pinagpuyatan ko ‘to at ito ang naging dahilan para mamula naman ang puti ng mga mata ko ng matapos ko ang entry na ‘to (which hindi nga), despite sa tambak na deadline natin sa SGV.

Posted by thesecretglenhol at 9:24 pm | permalink | comments[3]